Post

Payabangan ng Lolo: Electric Fan


Bossing: Pare, alam mo ba yung lolo ko napaka mainitin, paano ba naman palaging may nakatapat na 2 electric fan sa kanya para hindi sya mainitan!

Joey: Pare, chill pa yang lolo mo, kasi yung lolo ko may 4 na electric fan ang nakatutok sa kanya para hindi sya mainitan!

Aleng Maliit: Lamigin mga lolo nyo ano? Alam nyo ba yung lolo ko sobrang maiinitin, kaya laging nakatapat sa kanya yung 1 electric fan.

Bossing: Di ka ata nakikinig sa amin Aleng Maliit eh, isa lang yung sa iyo eh yung lolo nga namin 2 at 4 na electric fan nakatutok para hindi mainitan tas sayo isa lang binibida mo na?

Aleng Maliit: Bakit taga saan ba mga lolo nyo?

Joey: sa Maynila! eh lolo mo ba?

Aleng Maliit: Sa North Pole! oh diba nakuha pang mag electric fan?


Post

Tagalog Jokes: Sigawan

TATAY: Junior! Lahat ng ssbihin ko isigaw mo!. BARIL!! Sigaw!!
-
-
-
JR: BARIL!!
-
-
-
TATAY: BALA!!
-
-
-
JR: BALA!!
-
-
-
TATAY: ARMALITE!!
-
-
-
JR: ARMALITE!!
-
-
-
TATAY: LALAKI!!
-
-
-
JR: Asaan ^_<


Post

Load

BATA: May load po kayo?
.
.
.
TINDERA: Meron.
.
.
.
BATA: Papasa daw po ng quotes si mama, yung pang broken.


Post

Tagalog Jokes: Ang Sinumpang Birdie

25 inches ang kwan ni Juan dahil dito ayaw siya pakasalan ni maria. humingi siya ng tulong sa Albularyo sa kanila upang mapaliit ang kanyang kuwan.

"Naku Juan hindi ko ito kayang paliitin pero may sulusyon ako sa problema mo. umakyat ka sa bundok at hanapin mo dun ang mahiwagang loro pag nakita mo na siya alukin mo siya magpakasal. sa tuwing magsasabi siya ng ayoko liliit ng 5 inches ang iyong kuwan."

Ginawa nga ni Juan ang sinabi ng albularyo.
Umakyat siya ng bundok at nakita nya ang mahiwagang loro.

"Mahiwagang loro pakasalan moko!"

"Ayoko" ang sabi ng loro

tinignan ni Juan ang kanyang kuwan at sumaya siya ng makitang nabawasan ito ng 5 inches. 20 inches nalang ang kanyang kuwan.

"mahiwagang loro pakasalan moko"

"Ayoko" sabi ulit ng loro

nabawasan ulit ito at naging 15 inches nalang
sa labis na galak ni Juan inulit nya ulit ang tanung.

"mahiwagang loro pakasalan moko!!"

"Ang kulit mo ah ! SAbi ng AYOKO AYOKO AYOKO"

Napaiyak nalang bigla si Juan pagkatapos nya maalala ang sabi ng albularyo na " sa tuwing magsasabi siya ng ayoko liliit ng 5 inches ang iyong kuwan.


Post

Ang Joke Ko October 8, 2013

Bossing: Pare, alam mo ba yung lolo ko kung matulog yun sa gabi napaka-ikli, akalain mo 3 hours lang sya natutulog sa gabi.

Joey: Pare, matagal na yan, kasi yung lolo ko kung matulog sa gabi 2 hours lang!

Aleng Maliit: Antukin mga lolo nyo! Yung lolo ko hindi na natutulog sa gabi!

Bossing: Huh! Hindi natutulog? Baka may Insomnia?

Aleng Maliit: Hindi!

Joey: Eh bakit hindi natutulog sa gabi?

Aleng Maliit: Security Guard kasi lolo ko..




Post

Top 3 na may sinungaling na Trabaho sa Pilipinas ayon kay Sen. Miriam Defensor-Santiago

1. Beautician - Sasabihin nilang maganda ang kustomer kahit hindi naman talaga. 
2. Kundoktor ng jeep - Sasabihin nyang 2 pa ang kasya kahit puno na. 
1. Pulitiko - That's the end of the story.


Post

Ang Joke ko of Eat Bulaga October 4, 2013

Jimmy: Pare ang tindi ng lolo ko, ang lakas ng appeal, biruin mo kahit matanda na lolo ko pag kumausap ng babae yun, nakukuha pa nya yung number ng babaeng kinausap nya!

Joey: Pare sayo kinakausap pa? mas matindi appeal ng lolo ko, kasi yung lolo ko kikindatan at ngingitian lang nakukuha na agad yung number ng babae!

Aleng Maliit: Ang hihina ng mga lolo nyo! yung lolo ko sya na nilalapitan ng mga babae, binibigay pa sa kanya yung mga number!

Jimmy: Siguro napaka lakas ng appeal ng lolo mo! Gwaping siguro ano?

Aleng Maliit: Hindi naman...

Joey: Eh bakit nilalapitan sya at binibigyan sya ng number ng mga babae?

Aleng Maliit: Eh nagloload lolo ko eh!


Post

Payabangan ng Lolo: Patipiran

Bossing: Alam mo ba pare yung lolo ko nung nagaaral pa yun sobra tipid nya, kasi yung
baon nyang limang piso araw-araw natititpid pa nya, nakakapagtira pa sya ng dalawang piso!


Joey: Ang tipid ng lolo mo pare pero wala yan sa lolo ko kasi alam mo ba nung nag-aaral pa yun nakakapagtira pa sya ng apat na piso galing sa limang piso nyang baon!

Aleng Maliit: Hay naku ano ba yang mga lolo nyo mga gastador, ang luluho naman, alam nyo ba yung lolo ko nung nag-aaral pa yun, hindi yun nagastos kahit piso.

Bossing: Grabe naman tipid ng lolo mo hindi nagastos kahit piso.

Aleng Maliit: Oo kahit piso!

Joey: Eh bakit ganun?

Aleng Maliit: Eh wala namang baon lolo ko eh!


Like TESDA Online Course Free