Post

Top 3 na may sinungaling na Trabaho sa Pilipinas ayon kay Sen. Miriam Defensor-Santiago

1. Beautician - Sasabihin nilang maganda ang kustomer kahit hindi naman talaga. 
2. Kundoktor ng jeep - Sasabihin nyang 2 pa ang kasya kahit puno na. 
1. Pulitiko - That's the end of the story.


Post

Ang Joke ko of Eat Bulaga October 4, 2013

Jimmy: Pare ang tindi ng lolo ko, ang lakas ng appeal, biruin mo kahit matanda na lolo ko pag kumausap ng babae yun, nakukuha pa nya yung number ng babaeng kinausap nya!

Joey: Pare sayo kinakausap pa? mas matindi appeal ng lolo ko, kasi yung lolo ko kikindatan at ngingitian lang nakukuha na agad yung number ng babae!

Aleng Maliit: Ang hihina ng mga lolo nyo! yung lolo ko sya na nilalapitan ng mga babae, binibigay pa sa kanya yung mga number!

Jimmy: Siguro napaka lakas ng appeal ng lolo mo! Gwaping siguro ano?

Aleng Maliit: Hindi naman...

Joey: Eh bakit nilalapitan sya at binibigyan sya ng number ng mga babae?

Aleng Maliit: Eh nagloload lolo ko eh!


Post

Payabangan ng Lolo: Patipiran

Bossing: Alam mo ba pare yung lolo ko nung nagaaral pa yun sobra tipid nya, kasi yung
baon nyang limang piso araw-araw natititpid pa nya, nakakapagtira pa sya ng dalawang piso!


Joey: Ang tipid ng lolo mo pare pero wala yan sa lolo ko kasi alam mo ba nung nag-aaral pa yun nakakapagtira pa sya ng apat na piso galing sa limang piso nyang baon!

Aleng Maliit: Hay naku ano ba yang mga lolo nyo mga gastador, ang luluho naman, alam nyo ba yung lolo ko nung nag-aaral pa yun, hindi yun nagastos kahit piso.

Bossing: Grabe naman tipid ng lolo mo hindi nagastos kahit piso.

Aleng Maliit: Oo kahit piso!

Joey: Eh bakit ganun?

Aleng Maliit: Eh wala namang baon lolo ko eh!


Like TESDA Online Course Free