Post

Studying

BINATA: Ale, liligawan ko po ang anak nyo.

ALE: Huwag muna. Nag-aaral pa sya.

BINATA: Sige po, kapag uwian na lang nila.


Post

Fairytales

LOLA: Iho, ako ay isinumpa. Isa akong prinsesa. Kung ako ay iyong hahalikan ng 15 minuto babalik ako sa maganda kong anyo at tuluyang mapuputol ang sumpa.

(Makaraan ang 15 mins...)

LALAKE: Yan, tapos na. Bakit di ka pa rin nagpapalit ng anyo?!

LOLA: Ilang taon ka na iho?

LALAKE: 30 na ho.

LOLA: Yang tanda mong yan naniniwala ka pa sa fairy tale?


Post

Nag-shopping si Nanay

Dinalaw ng anak yung tatay niya sa kulungan..

TATAY: Anak, bakit ikaw lang mag-isa ang dumadalaw
sakin dito? Bakit hindi mo kasama ang nanay?

ANAK: Tay, nagsha-shopping po si inay…

TATAY: Aba ang dami yatang pera ng nanay mo, san
naman siya kumuha ng pera?

ANAK: Yung pabuya po sa inyo.


Like TESDA Online Course Free

▼