Post

Paano Maghatid ng masamang balita?

Ganito magbigay ng masamang balita.

Kumiriring ang telepono ng madaling araw....

"Hello Master Carlos, Si Arnaldo po ito yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."

"O Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka?. May problema ba?

"Um napatawag ako para abisuhan ko kayo na namatay ang alaga niyong parrot."

"Yung parrot kung si pikoy, patay?, Yung nanalo sa bird show?

"Opo Master Carlos, yun nga po".

"Putres, sayang! Ang laki pa naman ang nagastos ko sa ibong yun. Hay buhay! Teka anu ba ang ikinamatay niya?

"Eh kumain po kasi ng bulok na karne..."

"Bulok na karne?..at sino naman ang salbaheng tao ang nagpakain ng bulok na karne?"

"Wala po, nanginain po siya ng bulok na karne ng isang patay na kabayo"

"Patay na kabayo? Anung patay na kabayo Mr. Arnaldo?"

"E, yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir.Namatay po kasi sila lahat sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."

"Nasisiraan kana ba ng bait? Anung kariton ng tubbbiiigggg?"

" Yun pong pinapatay namin sa sunog."

"Dios ko po! anu na namang sunog yang sinasabi mo?"

"Yun pong halos tumupok sa bahay niyo, Tumumba po yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab yung kurtina at mabilis kumalat ang apoy..."

"Anu?..Puutt..E may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan a para san yung kandila?

"Para sa burol po."

"Anu? kaninung burol?"

"Sa nanay niyo po, Sir. Bigla kasi siyang dumating dito nungisang gabi, walang kaabiso -biso. Lampas hating gabi na. Akala ko po magnanakaw. Yun nabaril ko!!!

hahahaha bang!!!!!

ganyan maghatid ng masamang balita para hindi mabigla



Post

Payabangan ng Lolo

Boy 1: Lolo ko, 80 na, nagte-text pa.
Boy 2 : Wala yan sa lolo ko, 92 na nag faface- book pa!
Boy 3: (May kausap sa cp) Lo? Ngayon na? Sino-sino
po? Sige punta na po ako.
Boy 1 at 2 : Sino yun?
.
.
.
Boy 3: Lolo ko.
Dota daw.. May dayo...


Post

Tagalog Jokes with Lesson

nakatanggap si mister ng text mula sa kapitbahay nilang kumpare din niya:

MESSAGE FROM KUMPARE:
"pare pasensya ka na. sorry talaga. matagal ko nang tinatago sa'yo 'to, pero nagi-guilty na kasi ako kaya aaminin ko na. alam mo naman kasi na nasa ibang bansa ang misis ko at madalas akong bored.

kaya kinahihiya ko man ay sasabihin ko na sa iyo na dalawang buwan nakong kumakabit sa wife mo. medyo hindi ko kasi natiis dahil magkatabi lang ang bahay natin, hindi ko na kailangang lumayo pa. sana matanggap mo ang sorry kong ito."

...lumakad si mister papunta sa kwarto nilang mag-asawa. kinuha ang baril at binaril sa ulo si misis. itinapat ang baril sa ulo at ipuputok na sana nang may biglang nag-text.

pinulot ang phone at nakita niyang ito ay galing sa kumpare niya. kaya binasa niya muna...

MESSAGE FROM KUMPARE:
"bwisit na autocorrect yan... WIFI ang ibig kong sabihin pare at hindi WIFE... haha"
.
.
.
LESSON: ingatan ang spelling sa text



Post

Pick-up lines na naging Away

BF: Babe, para kang selecta, you're so yummy!

GF: Ikaw hon para kang krispy kreme, you're so sweet!

BF: Para kang starbucks, so addictive!

GF: Para kang jollibee, langhap-sarap!

BF: Para kang larsians, affordable!

GF: Para kang turo-turo, slightly dirty!!

BF: Haha! Para kang prito, oily!!

GF: Para kang inihaw, maitim!!

BF: Para kang tuyo, parehas kayo ng amoy!!

GF: Para kang paksiw, maasim!!

BF: Bagoong ka!

GF: Ikaw naman binuro!

BF: Panis ka! HAHAHA!

GF: Bulok hehe!

BF: Panget wahaha!

GF: Lalo ka na ulol!

BF: Break na tayo!

GF: Buti pa nga!

Nagkapikonan ang mga ulol! bwahahaha!


Post

INA:Anak tawagan mo nga tatay mo,tanungin mo bakit wala pa siya hanggang ngayon.

BALONG:cge nay!.nay babae naman ang sumagot

INA:Lintik!!!sabi ko na nga, may tinatago yang tatay mo, eh! Anong sabi?

BALONG: ‚You only have one peso in your account‚
Hindi ko na tinapos, Nay, mukhang matapobre, eh!
Nag english pa siya di ko na alam kung ano isasagot ko eh kaya sinabi ko nalng na ingatan niya si itay!


Post

At a mini-grocery:

Cashier: "Sir, okay lang ba kulang ako ng piso sa sukli niyo?"

Me: "Okay lang. Pero next time, okay lang ba na kulang ng piso ang bayad ko?"

Cashier: "Sandali lang sir, magpapa barya lang ako."

LOL.


Post

"A very touching story"

A guy visited his dying Chinese friend. The Chinese said, "hong pi chik" and died.

The guy went all the way to China to find the meaning of his friend's last word. And he was shocked to know the meaning ...

"Huwag mong apakan ang oxygen!"


Like TESDA Online Course Free